Parish History

Ang Maikling Kasaysayan ng Parokya ni San Diego de Alcala
sa Matandang Bayan ng Polo, na Ngayo’y Lungsod ng Valenzuela

Ang Parokyang Ito ay Hitik sa Kasaysayan at Kabanalan. Taong 1623-1625, ay Nagmisyon sa Polo ang isang Franciscanong Pari sa Katauhan ni Fray Francisco de Sta. Maria at siya ang Unang Nagtayo ng isang Kapilya sa Polo na noo’y Marami na ang Naninirahan Bago pa Dumating ang mga Franciscano sa Bayan ng Meycauayan noong Taong 1578, na kung saan sa Taong ito naman ay Naitatag ang Pueblo de Meycauayan at Naging Sakop ang Halos kalahati ng Bulacan. Noong Taong 1625, ay Lumisan si Fray Francisco de Sta. Maria sa Polo upang Magmisyon sa Bansang Japan, ngunit sa Kasamaang Palad ay siya’y Naging Martir noong Agosto 17, 1625 sa pamamagitan ng Pagsunog sa kanya ng Buhay habang nakagapos sa Isang Haligi. Idineklara ng Vaticano na “BEATO” sa Pamamagitan ng Utos ni Papa Clemente IX noong Mayo 1, 1627. Matapos nito, Sumunod na Nagmisyon si Fray Juan de Tarancon, at sa Utos ng Pamahalaang Kastila, ay Nahiwalay ang Polo sa Bayan ng Meycauayan at naging Isang “Pueblo”. Naging Sakop ng Polo ang Novaliches ( Na Parte ng Hacienda de Malinta) at ang Catanghalan (Ngayo’y Bayan ng Obando). Ngunit Kapwa Humiwalay ang Dalawang Bayan at Nagsarili (Nahiwalay ang Novaliches noong Taong 1856, at ang Obando ay noong Taong 1754). Si Fray (Padre) Juan de Tarancon din ang Kauna-unahang Kura Paroko ng Parokya. Siya ang Nagpatayo ng Unang Simbahang Bato sa Tulong at Pagsisikap ng mga Mamamayan ng Polo sa Pangunguna ni Don Juan de Monsod, Unang Capitan Municipal ng Polo. Natapos ang Simbahan noong Taong 1632. Bukod sa Parokya sa Poblacion, ay Nagpatayo pa ng Dalawang Ermita, ukol sa Dalawa pang Patron ng Parokya, isa ang para kay San Roque na Matatagpuan sa Baryo ng Mabolo, at ang Isa naman ay para sa Birhen ng Inmaculada Concepcion. Noong Taong 1944, Isang Malagim at Walang Kaawa-awang Pagpaslang sa loob ng Unang Simbahang Bato ng Parokya, ang Malagim na Pagpaslang sa mga Kalalakihan ng Polo, kabilang dito si Feliciano Ponciano na Alkalde ng Bayan noong Panahon iyon. Matapos ang Pangyayaring ito, ang Parokya ay Pansamatalang Nalipat sa Ermita ng San Roque sa Mabolo, habang Itinatayo ang Bagong Simbahan (na sa Kasalukuyan ay ang Nakatayong Simbahan. Taong 1960, ay Nilagdaan ni Pang. Garcia ang Paghihiwalay ng Polo at Isang Bayan na Tinawag na Valenzuela (Sa Karangalan ni Dr. Pio Valenzuela, dakilang Anak ng Polo at Katipunerong Kaibigan ni Dr. Jose Rizal), ngunit noong Taong 1963 ay Pinagsamang Muli ang Dalawang Pinaghiwalay na Bayan at Naging Valenzuela. Ang Parokya ay Natapos makaraan ang ilang Taon sa Pagsisikap ni Mons. Prudencio Aguinaldo, na Naglingkod sa Parokya ng 33 taon. Natapos ang Kasalukuyang Simbahan noong Taong 1948 at Binasbasan ang Parokya ni Mons. Gabriel Reyes DD noong Nobyembre 11, 1951. Sa ngayon ay Patuloy pa ring Lumalago sa Kabanalan, Pag-iibigan at Higit sa Lahat, sa Espiritual.
(Talasanggunian: N.S.P.S. Francisco de Asis: Ronaldo Dionisio; Museo Valenzuela Foundation, at Ilang mga Kaibigang Nagbahagi ng Kaalaman sa Kasaysayan)


No comments:

Post a Comment