Wednesday, June 26, 2019

Programa sa Kapistahan ng Ina ng Laging Saklolo

Parokya ni San Diego de Alcala
Polo, Poblacion I, Valenzuela City

Kapistahan ng 
- INA NG LAGING SAKLOLO -

-| Kasaysayan ng Imahen |-

Ang Ortodox na larawan ng mahal na ina, na karaniwang mas kilala ng mga Pilipino ay ang larawan ng Ina ng Laging Saklolo, na matatagpuan sa Monasteryo ng mga Redemptorista sa Baclaran, Paranaque, Metro, Manila.

Ang orihinal na larawan ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo ay gawa sa kreta, isang isla sa Griyego, ay gawa pa noong ika-13 siglo. Ang larawan ay dinala sa Roma, kung saan ito ay idinambana noong ika-27 ng Marso taong 1499 sa isang simbahang Agustino ni San Mateo. Ang nasabing simbahan ay isa sa tatlumpong(30) simbahang ipinag-utos na sirain nang lubusin ng Fransia ang Roma noong 1798. Sa nasabing paglusob ang larawan ay naitago sa isang maliit na kapilya. At ito ay muli na namang natagpuan noong 1860 at muling idinambana sa pangunguna ng mga Redemptorista sa monasteryo ni San Alfonso na gawa sa mga labi ng lumang simbahan ni San Mateo. Magmula noon ang mga Redemptorista ang pangunahing tagapagtaguyod ng pamimintuho sa mahal na Ina ng Laging Saklolo, kung saan bawat simbahan ay may replika ng orihinal na larawan. Ang pangalan ng Ina ng Laging Saklolo ay nagmula sa Mahal na Ina sa isang aparisyon sa isang maliit na bata. ang kasaysayan ng Ina ng laging Saklolo ayon sa tradisyon, isang araw, habang ang maliit na bata na si Hesus ay naglalaro sa hardin nang magpakita ang dalawang arkanghel mula sa langit na dala ang mga kagamitan ng kanyang hinaharap na pagpapakasakit at kamatayan. Dala ng malaking pagkatakot sa nasabing pangitain, ang banal na bata ay tumakbo sa mga bisig ng kanyang ina para sa kanyang pangangalaga, kung saan naman ang Mahal na Ina, buong higpit na niyakap ang batang si Hesus, na dahil sa pagmamadali, isa sa kanyang panyapak ay halos mapigtal. Dahil sa mga bisig ng Mahal na Ina, ang banal na bata ay nakadama ng tunay na kaligtasan at kapayapaan, sapagkat siya ang ina na laging handang dumamay at sumaklolo.

Sa Pilipinas, sa dambana ng Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran, ang pamimintuho ay naging pambansang debosyon. noong 1940, ang pagnonobena sa Mahal na ina sa araw ng miyerkules, ay umakit sa maraming tao at naging dahilan ng paglago ng kalakalan at negosyo.

Ngayon, mula Appari hanggang Jolo, ang araw ng miyerkules ay araw ng pagnonobena, kung saan sa bawat simbahan sa buong kapuluan ay nagiging dambana ng Ina ng Laging Saklolo.
--- 
Nobenaryo: June 18-26, 2019
5:45am (Lunes-Sabado) 
4pm (Linggo)
At susundan ito ng Misa. (6:30am sa Lunes hanggang Sabado at 5pm tuwing Linggo) 

Kapistahan: June 27, 2019
Misa: 6:30am
Prusisyon: 7:30am
-- 



No comments:

Post a Comment