Parokya ni San Diego de Alcala
Polo, Poblacion I, Valenzuela City
Dakilang Kapistahan ng
-| KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI JESUS |-
- KASAYSAYAN-

Ang Kamahal-mahalang Puso ng Panginoong Jesukristo ay ang simbolo ng mabathalang pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan. Ang Kanyang puso ay ang bukal na pinagmumulan ng pag-ibig ng Panginoon na naging daan para sa kaligtasan ng tao. Hinihikayat ng Simbahan ang lahat ng mananampalatayang Katoliko sa buong daigdig na magpamalas ng debosyon sa karangalan ng Kamahal-mahalang Puso ni Jesus.
May tatlong liham ng Papa sa kasaysayan ng Simbahan ang tumutukoy sa debosyon sa Kamahal-mahalang Puso ni Jesus:
1. Ang ANNUM SACRUM ni Papa Leo XIII tungkol sa paghahandog ng sangkatauhan sa Mahal na Puso ni Jesus
2. Ang MISERENTISSIMUS REDEMPTOR ni Papa Pio XI na tumutukoy naman sa pagbabayad-puri sa Mahal na Puso
3. Ang HAURIETIS AQUAS ni Papa Pio XII na nagpapaliwanag ng mga naaakmang debosyon kaugnay sa Mahal na Puso.
---
MGA GAWAIN SA KAPISTAHAN
Nobenaryo: June 19-27, 2019
Lunes-Sabado: 5:45am, Susundan ng Misa ng 6:30am
Linggo: 4pm, Susundan ng Misa ng 5pm
Kapistahan: June 28, 2019
Ora Santa (Banal na Oras at Pagtatanghal ng Santisimo Sakramento sa Altar) :5:30am
MISA SOLEMNE SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS: 6:30am
Prusisyon: 7:45am
---