Wednesday, June 26, 2019

Programa sa Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Jesus

Parokya ni San Diego de Alcala
Polo, Poblacion I, Valenzuela City

Dakilang Kapistahan ng 

-| KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI JESUS |-

- KASAYSAYAN-
Ang Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Jesus ay itinatag para sa pangkalahatang Simbahan nuong 1765 ni Papa Clemente XIII. Ito ay ipinagdiriwang tuwing Biyernes pagkatapos ng Linggo ng Corpus Christi o labing siyam (19) na araw pagkatapos ng Dakilang Kapistahan ng Pentekostes. Ang Debosyong ito ay pinagtibay noong magpakita ang Panginoon kay Santa Margarita Alacoque. Ang dakilang araw na ito ay inilaan ng Simbahang Katoliko bilang araw ng pananalangin para sa kabanalan ng mga pari sa buong daigdig. 
Ang Kamahal-mahalang Puso ng Panginoong Jesukristo ay ang simbolo ng mabathalang pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan. Ang Kanyang puso ay ang bukal na pinagmumulan ng pag-ibig ng Panginoon na naging daan para sa kaligtasan ng tao. Hinihikayat ng Simbahan ang lahat ng mananampalatayang Katoliko sa buong daigdig na magpamalas ng debosyon sa karangalan ng Kamahal-mahalang Puso ni Jesus.
May tatlong liham ng Papa sa kasaysayan ng Simbahan ang tumutukoy sa debosyon sa Kamahal-mahalang Puso ni Jesus:
1. Ang ANNUM SACRUM ni Papa Leo XIII tungkol sa paghahandog ng sangkatauhan sa Mahal na Puso ni Jesus
2. Ang MISERENTISSIMUS REDEMPTOR ni Papa Pio XI na tumutukoy naman sa pagbabayad-puri sa Mahal na Puso
3. Ang HAURIETIS AQUAS ni Papa Pio XII na nagpapaliwanag ng mga naaakmang debosyon kaugnay sa Mahal na Puso.
---
MGA GAWAIN SA KAPISTAHAN
Nobenaryo: June 19-27, 2019
Lunes-Sabado: 5:45am, Susundan ng Misa ng 6:30am
Linggo: 4pm, Susundan ng Misa ng 5pm

Kapistahan: June 28, 2019
Ora Santa (Banal na Oras at Pagtatanghal ng Santisimo Sakramento sa Altar) :5:30am
MISA SOLEMNE SA KARANGALAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS: 6:30am
Prusisyon: 7:45am
--- 


Programa sa Kapistahan ng Ina ng Laging Saklolo

Parokya ni San Diego de Alcala
Polo, Poblacion I, Valenzuela City

Kapistahan ng 
- INA NG LAGING SAKLOLO -

-| Kasaysayan ng Imahen |-

Ang Ortodox na larawan ng mahal na ina, na karaniwang mas kilala ng mga Pilipino ay ang larawan ng Ina ng Laging Saklolo, na matatagpuan sa Monasteryo ng mga Redemptorista sa Baclaran, Paranaque, Metro, Manila.

Ang orihinal na larawan ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo ay gawa sa kreta, isang isla sa Griyego, ay gawa pa noong ika-13 siglo. Ang larawan ay dinala sa Roma, kung saan ito ay idinambana noong ika-27 ng Marso taong 1499 sa isang simbahang Agustino ni San Mateo. Ang nasabing simbahan ay isa sa tatlumpong(30) simbahang ipinag-utos na sirain nang lubusin ng Fransia ang Roma noong 1798. Sa nasabing paglusob ang larawan ay naitago sa isang maliit na kapilya. At ito ay muli na namang natagpuan noong 1860 at muling idinambana sa pangunguna ng mga Redemptorista sa monasteryo ni San Alfonso na gawa sa mga labi ng lumang simbahan ni San Mateo. Magmula noon ang mga Redemptorista ang pangunahing tagapagtaguyod ng pamimintuho sa mahal na Ina ng Laging Saklolo, kung saan bawat simbahan ay may replika ng orihinal na larawan. Ang pangalan ng Ina ng Laging Saklolo ay nagmula sa Mahal na Ina sa isang aparisyon sa isang maliit na bata. ang kasaysayan ng Ina ng laging Saklolo ayon sa tradisyon, isang araw, habang ang maliit na bata na si Hesus ay naglalaro sa hardin nang magpakita ang dalawang arkanghel mula sa langit na dala ang mga kagamitan ng kanyang hinaharap na pagpapakasakit at kamatayan. Dala ng malaking pagkatakot sa nasabing pangitain, ang banal na bata ay tumakbo sa mga bisig ng kanyang ina para sa kanyang pangangalaga, kung saan naman ang Mahal na Ina, buong higpit na niyakap ang batang si Hesus, na dahil sa pagmamadali, isa sa kanyang panyapak ay halos mapigtal. Dahil sa mga bisig ng Mahal na Ina, ang banal na bata ay nakadama ng tunay na kaligtasan at kapayapaan, sapagkat siya ang ina na laging handang dumamay at sumaklolo.

Sa Pilipinas, sa dambana ng Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran, ang pamimintuho ay naging pambansang debosyon. noong 1940, ang pagnonobena sa Mahal na ina sa araw ng miyerkules, ay umakit sa maraming tao at naging dahilan ng paglago ng kalakalan at negosyo.

Ngayon, mula Appari hanggang Jolo, ang araw ng miyerkules ay araw ng pagnonobena, kung saan sa bawat simbahan sa buong kapuluan ay nagiging dambana ng Ina ng Laging Saklolo.
--- 
Nobenaryo: June 18-26, 2019
5:45am (Lunes-Sabado) 
4pm (Linggo)
At susundan ito ng Misa. (6:30am sa Lunes hanggang Sabado at 5pm tuwing Linggo) 

Kapistahan: June 27, 2019
Misa: 6:30am
Prusisyon: 7:30am
-- 



Sunday, June 2, 2019

Balitang Diyosesis: Canonical Coronation of La Purisima Concepcion of Santa Maria, Bulacan

Pope Francis grants Canonical Coronation to the Admirable Patroness of Santa Maria, Bulacan
The Original Image of La Purisima Concepcion
of Santa Maria Bulacan at the fame
Intramuros Grand Marian Procession year 2017
After the Episcopal Coronation granted by the Late Bishop +Jose Oliveros, last March 3, 2018, the Church of Santa Maria, Bulacan prepared the documents necessary for the petition to the Holy Father, Pope Francis, the Canonical Coronation of their Patroness. November 21, 2018, Feast of the Presentation of the Child Mary in the Temple, the Coffee Table Book that contains the History, Devotions and Miracles that Our Lady, in the Title "La Purisima Concepcion". The Book is written in English, so that the documents can be fully understand. February 7, 2019, during the 227th Year Town Fiesta of Santa Maria, the petition was brought to our Apostolic Administrator of the Diocese of Malolos and current Bishop of Cubao, Bishop Honesto Ongtioco and later on submit to the Apostolic Nuncio, Archbishop Gabrielle Caccia with the prayers of the devotees. The Apostolic Nuncio later on submit the Petition to Rome for review and clarification. On March 28, 2019, The Papal Bull was release, with the Blessing of his Holiness Pope Francis, the Canonical Coronation will be done. On June 2, 2019, Solemnity of the Ascension of our Lord, Rev. Msgr. Ranilo "Ranny" Trillana PC joyfully announced the News of the Blessing of the Canonical Coronation. 

Historically, when the Town of Meycauayan was formed on 1582, the Town of Santa Maria de Pandi and our very own town of Polo was one of the Jurisdiction of the Old Town of Meycauayan. When Bocaue was formally separated in Meycauayan in the year 1606 (The first one to separate as a Pueblo or town), Pandi or Santa Maria de Pandi was one that became Barrio of the Town. Year 1623 when Polo separated to Meycauayan and Second to separate as a Town from Meycauayan. Year 1793 when Santa Maria de Pandi separated from Bocaue and became a Town.

O Kalinislinisang Birheng Maria, aming La Purisima Concepcion, buong kababaang-loob kaming dumudulog sa iyo. Tulungan nawang makarating sa Poong Maykapal ang aming panalangin, upang mailayo sa lahat ng kasalanan at hindi mabulid sa anumang kapahamakan. 
Sa liwanag ng Banal na Espiritu, kami nawa ay matulad sa iyong kababaang-loob, pagkamasunurin at lubos na pananalig nang kami ay maging karapat-dapat sa buhay na handog ng Diyos.
O Maria, Ina ni Hesus at aming Ina, Ikaw ang aming buhay, katamisan at pag-asa. Amen.
La Purisima Concepcion de Santa Maria, Ipanalangin mo kami

---

Like the Official Page of the Parish of Santa Maria, Bulacan, La Purisima Concepcion de Santa Maria
--
Like us on Facebook: San Diego de Alcala
Follow us on Instagram: @sdappolo1623